Kabataang Makabayan: Ibasura ang Oplan Bayanihan, sumapi sa Hukbong Bayan at ipagtanggol ang mamamayan

Naglunsad ng iglap-protesta ang mga kasapi ng Kabataang Makabayan kaninang umaga sa panulukan ng Blumentritt sa Maynila. Isa sa panawagan nila na ibasura na ni Presidente Duterte ang Oplan Bayanihan na ayon sa kanila ay pinagmumulan ng maraming paglabag sa karapatang tao at sumisira ng kabuhayan ng mga mamamayan lalo na sa kanayunan. Ang Kabataang Makabayan ay rebolusyonaryong organisasyon at nagdiriwang ngayong araw ng kanilang ika-52 anibersaryo ng pagkakatatag. Sila ay kasapi ng National Democratic Front (NDF).