“Ipinapanawagan ng KMU na ilantad at labanan ng mga manggagawa ang ganitong aktibidad ng rehimeng Duterte at mga ahenteng militar at intelligence nito laban sa kilusang-paggawa. Nananawagan kami sa lahat ng biktima ng ganitong atake na ilahad ang kanilang mga kwento at isiwalat ang modus operandi ng pekeng pagpapasuko ng PNP.” — Elmer Labog, Tagapangulo, Kilusang Mayo Uno




