‘Ipainom mo, iinject mo sa kanila’

Muli na namang nagbitiw ng mga di kanais-nais na salita si Pangulong Rodrigo Duterte sa isang weekly online program na “Talk to the People” na ipinalabas kahapon.

Sa isang isyu hinggil sa mga nasabat na pekeng medisina, sinabi ni Duterte na ipainom o i-inject ang mga nakuhang droga sa mga nagbebenta nito.

Sinabi rin ng pangulo na wala siyang pakialam kahit pa ikamatay iyon ng mga nagbebenta at kung may magtanong man kung sino ang nag-utos, siya ang sabihin.

“Kapag masyadong marami nang [nakumpiska na pekeng medisina], ang suggestion ko doon sa NBI at CIDG, yung kalahati ng nakuha nila, ipainom [sa sellers], dahan-dahan. We are interested to know what [will] happen to the idiots, if they are given the drugs. Ipainom mo, iinject mo sa kanila. Kung mamamatay, eh di, sorry. Kung magtanong sila kung sinong nag-utos nito, sabihin mo si Duterte.”Pangulong Rodrigo Duterte, Republika ng Pilipinas