“Ang pagbuwag sa ating mga barikada at ang tuluyang pagpasok ng Woggle Mining Corporation ay hindi nagpapakita ng ating pagkatalo. Ito ay nagiging daan ngayon na ang Vizcayano ay mas magkaisa at bumuo ng mas malawak at mas matibay na barikada – hindi na lamang sa pagkakapit ng ating bisig kundi sa pagkakapit at pagkakaisa ng ating puso. Dahil ang ating nararamdamang awa, panlulumo, at galit tungkol sa nangyari kahapon nagpapaalab ng ating puso ngayon ay mahalagang pagpapakita ng ating mas malawak na klase ng pagbabarikada.” – Diocese of Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao, DD




