Comelec, pinapanagot sa palpak at madayang halalan

Isang porum ang inilunsad ng election watchdog na Kontra Daya para talakayin ang naging resulta sa nakaraang eleksyon noong Mayo 13. Ginanap ito noong Mayo 25 sa PARDEC room sa Commission on Human Rights.

Ayon sa Kontra Daya, marumi at malawakan ang dayaan sa halalan noong Mayo 13. Ipinakita dito ang mismong mga aberya at palpak na mga Vote Counting Machines at SD cards, mga aberya sa pagtransmit sa resulta ng bilangan, talamak na vote buying at sistematikong atake sa oposisyon at progresibong partido bago at sa panahon mismo ng halalan.

Sinabi ng ilang eksperto na kaduda-duda na ang proseso ng automated na paraan simula nang ipinatupad ito noong 2010. Marami na anila mga ebidensya na madaling manipula ang resulta ng bilangan lalupa at hindi ito transparent sa publiko.

Dagdag pa ng Kontra Daya, dapat managot hindi lamang ang Commission Elections sa kapalpakan nito kundi ang Smartmatic na siyang service provider sa nasabing automated elections.

Nananawagan ang Kontra Daya na maging mapagmatyag dahil titindi pa atake sa mamamayan pagkatapos ng halalan dahil karamihan pa rin sa mga nagwagi ay malalaking dinastiya sa pulitika at kaalyado ng adminsitrasyon. (Bidyo ni: Joseph Cuevas/ Kodao)