Caravan for rights and justice

Dumating na kahapon sa Maynila ang mga kinatawan ng mga magsasaka, kabataan at kababaihan mula sa Eastern Visayas. Ito ay bahagi ng kanilang kampanya laban sa kagutuman at mlitarisasyon na kanilang kinakaharap sa Samar at Leyte. Mainit silang sinalubog ng iba’t ibang sektor at nagdaos sila ng maikling programa sa Mendiola. Inaasahang magtatagal sila ng dalawang linggo para puntahan ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan para sa kanilang mga petisyon at kahilingan.