Busina para sa balik-pasada, isinagawa ng PISTON

Isinagawa ngayong umaga sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila ang Busina para sa Balik-Pasada ng mga dyipni sa pangunguna ng Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide o PISTON. Matapos ang dalawa’t-kalahating buwan na hindi nakapaghanap-buhay dahil sa COVID-19 lockdown, tinututulan ng mga tsuper ang desisyon ng pamahalaan na ipagbawal ang pamamasada ng mga tradisyunal na dyip.

Ayon sa PISTON, isang kahig, isang tuka ang mga drayber ng dyip na lalong magugutom kung hindi pa rin papayagang mamasada. Iginiit rin ng grupo na mahihirapan ang mga manggagawang makabalik sa trabaho kung walang dyip na masasakyan.