Black Friday Protest ng mga estudyante laban sa red-tagging ng AFP

Tahasang sinagot ng mga estudyante ng University of the Philippines Diliman sa kanilang Black Friday Protest ang paglalabas ng AFP ng listahan ng 18 unibersidad na diumano ay laganap ang pagrerekrut ng CPP-NPA.

Ayon sa AFP, ang isang paraan sa panghihikayat ay ang pagpapalabas ng mga pelikula kaugnay sa Martial Law.

Ang mga paraan na ito anila, ay bahagi ng mga hakbang para sa “Red October Plot” na naglalayong patalsikin si Pangulong Duterte sa pwesto.

Isa sa 18 unibersidad na nabanggit ang University of the Philippines Diliman.