PAHAYAG: “Di po laro ang pagbabalita, Mr. President!”
Mawalang-galang po, mahal na Pangulo. Sinasadya ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) na gamitin ang pambansang wika sa pahayag na ito upang bigyang sapat na halaga ang kaliwanagan sa komunikasyon at tiyakin na mauunawaan ng lahat ang nais naming ipaabot. Sa inyong panayam sa midya nung Huwebes, muli mong sinabi na “nilalaro” mo kami […]