‘Atin ang ‘Pinas, China layas!’

Isang kilos-protesta sa Araw ng Kagitingan ang isinagawa ng iba’t-ibang grupo sa pangunguna ng Pilipinong Nagkakaisa para sa Soberanya o P1NAS sa Konsulado ng Tsinasa Makati City ngayong araw, Abril 9.

Nananawagan sila na itigil ng China ang panghihimasok nito sa teritoryo ng bansa kabilang na ang mga isla sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon sa P1NAS, sa kabila ng panalo ng bansa sa International Tribunal ay patuloy pa rin ang pag-okupa ng China at pag-angkin sa ilang isla sa WPS.

Binatikos ng P1NAS ang administrasyong Duterte at nagbabala sa posibleng pagkabaon sa utang ng bansa kapag nagpatuloy pa ang pag-utang nito sa China para sa mga proyekto tulad ng Kaliwa Dam Project at iba pang kwestiyonableng kasunduan. (Bidyo ni: Joseph Cuevas/ Kodao)