,

Paggunita sa ‘Kentex fire tragedy’

Naging madamdamin ang paggunita sa “Kentex fire tragedy” na ikinamatay ng mahigit sa 70 manggagawa noong May 13. Balot ng hinagpis at galit ang pamilya ng mga biktima at mga nakaligtas sa trahedya. Laman ng kanilang mga awit at talumpati ang pagdaramdam sa pamahalaan dahil sa kawalan ng hustisya matapos ang isang buwan.

Brgy. Ugong, Valenzuela City
June 13, 2015