Gabriela: Illegal recruiter ni MJV, dapat kasuhan


Kasama ng iba pang progresibong grupo, Gabriela hiniling sa Department of Justice (DOJ) na pabilisin ang pagdinig sa kaso ni Mary Jane Veloso laban sa illegal recruiter na sina Cristina Sergio at kapartner nitong si Julius Lacanilao. Ngayong araw sinimulan ang preliminary investigation kina Sergio at Lacanilao para alamin ang naging papel nila sa limang taong pagdurusa sa kulungan ni Mary Jane Veloso sa Indonesia sa kasong pagdadala diumano ng droga sa kanilang bansa. Si Veloso ay biktima ng human trafficking at hindi kriminal ayon sa Gabriela secretary general Joms Salvador.

Department of Justice, Manila
May 8, 2015