ANAKPAWIS: Pahirap na rehimen, dapat ng patalsikin


Nagprotesta ang Anakpawis laban sa pagtaas ng presyo ng langis, dagdag-singil sa kuryente at nakaambang taas-singil sa tubig ng Maynilad.

Nitong nakaraang linggo, nauna nang nagtaas ng P2.40 sa gasolina at P1.90 sa diesel. Hindi rin nagpahuli ang Meralco na nagtaas ng P.84 kada kwh; at itinulak naman ng Maynilad ang dagdag-singil na P3.33 kada metriko kwadrado.

Nanawagan ang Anakpawis na panahon nang dapat singilin naman ang gobyernong Noynoy Aquino dahil sa patuloy nitong pagpapahirap sa taumbayan.

February 17, 2015