, ,

ITANONG MO KAY PROF: Podcast on Aquino’s statement on Maguindanao encounter (Part 3-4)

ITANONG MO KAY KAY PROF: Tungkol sa talumpati ni Aquino hinggil sa sagupaan at maraming namatay na SAF sa Mamasapano, Maguindanao

Panayam ng Kodao Productions kay Prof. Jose Maria Sison, January 28, 2015

3. Binigyan-diin ng pangulo ang mga krimen nina Marwan at Usman sa umpisa ng kanyang talumpati. Ito marahil ay para mabigyan ng hustisya ang operation ng PNP-SAF sa Maguindanao, subalit hindi niya sinabi na siya at ang US ay sangkot sa operasyon na ito. Ano po ang inyong pahayag dito?

JMS: Walang kwestiyon na dapat hulihin sina Marwan at Usman dahil sa warrants of arrest at malulubhang paratang sa kanila. Pero walang karapatan si Aquino na isubo ang maraming sundalo ng SAF sa tiyak na kamatayan dahil sa estupidong plano at kawalan ng koordinasyon sa mga kinauukulan. Bale gumawa sina Aquino, Ochoa at Purisima ng malubhang krimen na isinubo nila ang maraming SAF sa tiyak na kamatayan. Lalong malubha ang krimen nila dahil sa sunud-sunuran sila sa mga utos ng mga bos nilang mga Amerikano at nasilaw rin sila sa malaking dolyar na reward money.

4. Nahahati ngayon ang opinyon ng mga kapulisan hinggil sa naging papel ng gubyerno sa madugong engkwentro, ano po ang inyong maipapayo sa kanila?

JMS: Dapat batikusin at isakdal ng PNP, SAF at sambayanang Pilipino si Aquino dahil sa kanyang kriminal na pagpapahamak sa mga nasawing sundalo ng SAF. Dapat ding tuligsain ang kanyang pagiging utu-uto ng mga bos niyang Amerikano.