, ,

ITANONG MO KAY PROF: Podcast on Pope Francis and Pnoy

ITANONG MO KAY PROP

January 20, 2015

Panayam ng Kodao kay Prop. Jose Maria Sison

  1. Ano po ang inyong masasabi sa mga mensahe at pangangaral ni Pope Francis sa mamamayang Pilipino?

JMS: Mainam na may mensahe at pangangaral ni Pope Francis tungkol sa social injustice at corruption. Bale pinaringgan niya ang mga mang-aapi at nagsasamantala gayundin ang mga inaapi at pinagsasamantalahan. Pero bale wala ang mga ganong sermon sa mga nasa kapangyarihan at mga nagsasamtalang uri. Ibig sabihin na makakaasa lamang ang sambayanang Pilipino sa kanilang pagkilos at paglaban sa mga nang-aapi at nagsasamantala sa kanila.

  1. Ano po ang inyong pagtingin sa mga pahayag ni Noynoy Aquino na hindi naman daw siya ang binabatikos ng Papa hinggil sa corruption at tumitinding kahirapan sa Pilipinas?

JMS: Bale linoloko ni Noynoy ang sarili. Maliwanag sa lahat na pinatatamaan siya ng Papa. Sa ngayon, sino ba ang pinakaresponsable sa corruption at tumitinding kahirapan sa Pilipinas. Alam ng lahat na siya ang pork barrel king at siya ang nagtakda ng mga patakaran para pagsamantalahan ang mga anakpawis at sambayanan ng mga dayuhang kapitalista at mga katulad niyang malaking asendero at komprador.